MY CHILD, MY RULES - Open Letter Para Sa Kamag Anak Mong Makulit
12:01 PM
Naranasan mo na bang makipagtalo sa iyong mga kasamahan sa bahay dahil iba ang paraan niyo ng pag-aalaga ng bata? Nais mo silang sagutin pero hindi mo mahanap ang mga tamang salita na hindi ka nagmumukhang maldita at bastos? Nagamit na ba nila ang linyang "papunta ka pa, pabalik na ako"? Maaaring gamitin mo ang mga linya sa ibaba upang ipaliwanag ng klaro ang iyong opinyon.
To whom it may concern,
To whom it may concern,
MY CHILD, MY RULES. Hindi ibig sabihin na alam ko na ang lahat.
"My Child, My Rules", nais ko lamang na hayaan niyo akong matuto, at respetuhin niyo sana ang paraan kung paano ko gustong palakihin ang anak ko. Hanggan sa hindi naman po ito nakakasama sa kalusugan nila, sanay respetuhin niyo ang mga tugon ko.
Una, maraming salamat po sa lahat ng panahon na ginugol niyo sa pag-aalaga sakin. Inaruga, pinag-aral at pinayuhan niyo ako. Lumaki ako na puno ng aral at kaalaman. Madami akong nakuhang ideya galing sainyo. Tinuruan niyo ako upang maging independent at critical thinker. Tinuruan niyo ako kung paano timbang timbangin ang pros at cons ng aking mga desisyon.
Hayaan niyong gamitin ko ang natutunan ko galing sainyo. Hayaan niyo po na gamitin ko ang critical thinking skills ko sa paggawa ng desisyon. Maraming salamat sa lahat ng aral na naibahagi niyo habang lumalaki ko. Pinalaki niyo ako upang maging isang responsable at matalinong tao. Ipakita niyo naman na proud kayo sa ginawa niyo. Sana'y maniwala kayo na matalino ang batang pinalaki niyo.
Pangalawa, maraming salamat po dahil concern kayo sa mga anak ko. Malaking bagay po na makitang mahal niyo ang mga anak ko. Pero kung may mga bagay man na hindi natin pinagkakasunduan, hindi ibigsabihin na mali ka at tama ako. Alam ko na kung paano niyo ako inaruga noon, ito po ay ayun sa mga impormasyon na nakalap niyo sa panahong iyon at nirerespeto ko yan. Ngayon na may mga bagong impormasyon, hayaan niyo po akong gamitin ito para sa kapakanan ng mga anak ko.
Hayaan niyo po akong magpaliwanag, at nawa'y maunawaan niyo ang desisyon ko. Pwede din magtanong sa Pedia, Guro, WHO o DOH upang mapanatag kayo. Maari po kayong magtanong kung bakit ganito ang desisyon ko, at sana'y open minded kayo sa mga bagong ideya.
"Bakit hindi mo pa pinapakain ng solids ang 4 months old baby?"
"Bakit gusto mong magpabreastfeed"
"Bakit gusto/ayaw mong magpabakuna"
"Bakit ayaw mong painumin mo ng ganito/ganyan ang anak mo?"
Pangatlo, wag n'yong sabihin na:
"Ganito ang ginawa namin noon, at buhay pa kami ngayon."- kamag anak mong makulit
Opo, buhay at malusog pa kayo ngayon. Maswerte po kayo. Pero yun mga tao na nagkaroon ng injury o masamang side effects dahil sa mga maling paaaruga ay maaring patay na ngayon, at hindi na nila kayang magpangaral pa.
Huli, kung may pinagbawal man ako para sa mga anak ko. Sana'y wag niyong gawin ng patago at labag sa habilin ko. Hindi ko ito ipagbabawal nang walang dahilan. May mga bagay na kahit isang beses mo lang ginawa ay maaring magdulot ng pinsala, sakit o pagkamatay ng bata. Nais ko lamang na ligtas ang anak ko.
Nagmahal,
Pagod ng magpaliwanag
0 comments